Hello friends! Eto na naman, bagong gala post :)

Recently, nag punta kami ng partner in gala ko (aside from Patootie) na aking younger brother, si Ge. Medyo malayo layo ang pinuntahan namin this time, na sa layo nya e ngayon lang namin napuntahan after so many years.

Eto ang Pinto Art Gallery, syempre sa tuktok ng Antipolo City! :) Actually ang lapit lang nya sa amin pwede ngang puntahan habang naka kandirit tapos slow mo.


Pinto Art Gallery is open from Tuesdays to Sundays, 9 am to 6pm. They charge an entrance fee of Php 150 for adults, Php 120 for Senior Citizens and Php 70 for students! So alam na, 70 binayad ko. Charlotte lang, Php 120 haha :)
Eto na, ang ganda sa Pinto! Pag pasok mo pa lang mamamangha ka na kasi ang lawak ng lugar. Pwedeng mag shooting ng eksenang mayaman na may iaahaon sa hirap sabay sabing "akin lahat ng tanaw ng mata mo" ganyan kalawak :)

May super mini chapel, may cafes, may lush beautiful gardens at may several galleries na nakakalat (basura?) sa area.
So syempre best in libot kami ni Ge. Namangha sa mga art works, nag planong bumili ng ilang paintings at naalala na maralita lang kami, kaya wag na lang. Ang laki ng isang mural na to named Karnabal - 480 inches long and 144 inches wide (Ginoogle ko lang, hindi ko sinukat) - na isang collaborative piece by Salingpusa.
Medyo madaming tao nung nag punta kami which was a weekend. May ilang nag pre-prenup shoot din (Pinto charges an additional charge for photoshoots) kaya wag mag suot ng pangkasal kung ayaw nyong masingil. Weekdays daw konti ang tao so kung gusto nyong mag wala, weekends kaya pumunta, okies? :)
 Madaming paintings, murals, interactive art gaya ng sa baba..

..may sculptures na malapit ng mawala..
 ..installation art..
..may mga masungit na all about the bass sculptures..
..may super creepy pet sculptures..
..may Zuma (!)..
..may brain chairs..

 ..may soft bloody porn..
..may living room showcase na pag aari ng taong OC..
..may self help books..
 ..at may super kewl art! :)
Art yan kasi nasa gallery, pag sa pader lang sa labas, vandal yan! :)
Nang napagod na kami ni Ge kaka ikot, kaka picture at kaka kung ano ano, tumambay naman kami sa isang bed under a mango tree. Ang saya lang mag pahinga lalo na at maganda ang view.
Interesting ang last installation art stop sa Pinto, ang..
So papasok kayo sa isang madilim na room, filled with bamboo, man made puddles of water with stones and light..medyo nakakatakot pasukin kasi nga madilim. E nung pag pasok pa namin may naka salubong kaming Ate na naka dress - montik nang maging horror house!
Bago kami umuwi we planned to have a quick snack at the Pinto Cafe but decided to pig out at Jollibee instead - nasabi ko nga kanina maralita lang kami :)
At may bago na naman kaming napuntahan ni Ge! We saw and definitely appreciated art, made new friends..
..made some enemies..
..and had fun doing it! Hope you enjoyed it kahit more kabaliwan than educational ang post na ito :)
If you want to go and visit the Pinto Art Gallery too, you can take a jeep / FX to Antipolo then take a tricycle to Pinto. Tricycle fare should be around Php50. Pwede nyo din ako ayain bilang tour guide basta sagot ang entrance and pig out sa Jollibee :)

More places pa in Antipolo to explore and share so antay lang kayo dyan. Thank you again for visiting and reading my blog! Love you like XO! :*

Dalawa lang ang aking resolutions for 2015 - ang patuloy na Maging Masaya at mag Bike ng Mas Madalas! Malawak ang sakop ng Maging Masaya - kumain, mag shopping, umarte, manatiling baliw - kaya for sure, matutupad ko yang resolution na yan!

So far, okay pa naman ang number 2 resolution, ang mag Bike ng Mas Madalas. Bumili ako ng bike last year dahil tingin ko, mas okay syang cardio para sa akin. Hindi ko kasi gaano ma enjoy ang jogging/running, nabo-bore ako sa pag takbo lang paulit ulit, paikot ikot! At hindi ko naman idol si Nancy Navalta kaya no to running muna ako.

Back to biking - bike buddy ko ang aking younger brother na si Ge. Pag Sunday evening, nag bi-bike kami ni Ge kung saan saan, sabay bili ng 2 orders ng Buy 1 Take 1 burgers sa Minute Burger at Coke float - sabay tambay sa plaza! Ang saya, bawi agad ang calories!

Minsan isang Monday, ng maiba naman ay nag bike kami papunta ng Hinulugang TakTak. Nag prepare pa ako ng food para may picnic eksena kami. Ginoogle ko kung okay na ang Hinulugang TakTak at nakitang under renovation daw ito pero nung 2013 pa ang post. So siguro naman bonga na sya.

E eto ka, pag dating namin doon (again, 2015 na po) under renovation pa din daw! Aba baka Disney Land na ang tinatayo doon a, ang tagal ng renovation! O kaya pabaliktad na ang akyat ng tubig sa falls! Kalowka! So hanap kami ng ibang spot ni Ge. Buti may napuntahan kaming liblib na kalye na walang dumadaan. Dito kami nag picnic, so rural the area no, I know right?! Hahaha :)
Ito ang aking prinepare - bagoong rice with kamatis, tocino and ham! So yummy no? I know right!
Nagkanda duwal na si Ge sa dami ng kinain!
 
 After ng heavy kainan, bike pa more. May napuntahan kaming first time ko napuntahan at napa smile ako ng very wide, mala puppet wide na smile. Ang ganda kasi ng daan! Kung naging daan ako malamang ganito ako. Ang ganda ng mga puno, presko, maganda ang lighting. Parang wala kami bigla sa Antipolo, at napunta sa kagubatan nina Bella at Edward.
Dahil dyan - picture time! :)
BTW, dahil maalaga akong Kuya, para pa akong coach na laging naka sigaw "Ge tabi! Sa gilid ka lang! Ge may sasakyan parating, tabi ka! Ge tabi, dun ka sa lilim!" Ganyan! Minsan sumagot si Ge "Kuya hindi ako bulag!" Haha o di wag, bahala ka na sa buhay mo. Pero dun ako pwumesto sa likod nya para mabantayan ko pa din sya, o di ba, wais ;)
Back to the magandang daan. Mas nadiscover kaming church - ang Parish of the Immaculate Heart of Mary. Paki compare nga sa baba kung tama ang type ko :)
Ang cute ng church! Open sya at ayun, open. Napapa ligiran pa ng trees. Minsan gusto ko mag simba dito. At isang beses gusto ko ikasal dito #oha!
At ayan, pauwi na kami. Ang saya mga bike! Bukod sa cardio excercise, sa bonding, sa excuse para mag picnic, excuse mag picture picture, may mga na-didiscover pa ako along the way. Pu-push ko to for the whole year, as promised. Syempre minsan nakaka pagod at masakit sa legs lalo na pag paakyat na ang mga daan pero pwedeng pwede namang mang hitch, gamitan lang ng long legged.
Kayo ano ang (mga) New Year's resolution nyo? Kasama din ba ang biking? Kung oo, aba umakyat na kayo dito sa Antipolo at come on let's join us! :)

Thank you all for your time and for reading my blog! Much love from me to all of you! :*

Last No Shave November..
..the16th to be exact ay naganap ang isa sa aking Best Fridays ever! Paano ba naman, trineat ako ni Pats ng staycation (overnight lang, staycation pa din yun tama?:)) Ang layo nga lang ng pinuntahan namin - sa Richmonde Hotel sa Ortigas, same street at ilang hakbang lang mula sa aming offices hehe :)

Kung kilala nyo ako, alam nyo na favorite ko talaga malibre mag stay sa hotel kasi minsan lang ako mahiga sa kutson at unan na above isang daan ang presyo! At dati excited ako kasi may bathtub, pero hindi na gaano ngayon..alam nyo naman, hindi ako kasya sa standard bathtub :)

So eto ang ganap sa one of the Best Fridays ever. Not pictured ay ang buffet lunch namin sa Cabalen (Php300 lang mg te, try nyo!) at ang aking first visit sa H&M kung saan na witness ni Pats kung gaano ako ka impulsive buyer. More about it..layyyyter :)

Eto muna, ang aming room sa Richmonde. After pics na ito kaya magulo. It was the usual hotel room, carpeted, soft bed and my dream super soft hotel pillows! 
May corner kung saan pwede mag emote o mag sexy time, not that nag sexy time kami dyan ;)
  
This is the view from our room - would be better if it overlooking a beach no? Kaya lang beach sa Ortigas - baha pwede pa siguro.
After settling in and napping, nag aya si Pats sa buffet na naman! Napaisip ako kung kakatayin ba ako, parang pina rush na patabain ako e. Baka ibalot ako sa banig tapos hampasin ako ni Vangie Labalan. Naging si Manilyn Reynes? Haha :)

Anyways, this time we had dinner at Yakimix in the Podium. In all fairness sa Yakimix, lumevel up na ang food nila! Hindi na dry ang mga maki at parang generous na ang lagay ng Maggi Magic Sarap! Not bad na :)
Try nyo nga pala tong na discover ko - mix ang ube ice cream with leche flan! Ensherep! Gaano kasherep? Naka 10 akong serving haha! :)
After kainan, naglaro kami ni Pats ng taguan ng tyan :)
We went back to our home for the night and...

The following day, we woke up early para mag swimming! Sosyal ang pool ng Richmonde, indoor and heated! Sabay sabay tayo "ataray!" Sa aga namin, kami palang ang tao. Ang saya, hindi nakakahiya mag picture!
My nakapagod mamasada pose :)
 Pats' "The macho man in the mirror" pose
My "something came up!" pose :)
 
After ng swimming na actually ay more on photo session ay nag breakfast na kami. 
At syempre, buffet na naman! Hindi naman sa nag rereklamo ako :)
Sweet ng kinain ko no? Kala nyo lang, may 3 servings pa na di lang nakunan ng pic :)

At eto na nga...tuloy ko na ang nabili ko sa H&M! May trench coat akong nakita at na love at first sight kami sa isa't isa. Nung sinuot ko pa - kumanta ang mga angels may liwanag na bumaot sa akin and I know, baby you're my destiny, you and I were meant to be! Kaya binili ko na ng walang pagdadalawang isip. 


Ladies and gentlemen, meet Trenchy Agbayani! :)
May nagtanong sa akin kung saan ko naman susuot, sabi ko "e di sa bahay!" And yes, true enough, when I feel cold and I want to feel fancy, I wear it to bed :)

At may nagtanong din kung magkano ang bili ko, nung sinabi ko, ang reply ba naman ay "ay put@ng1n@!" Namura pa ako! Kung gusto nyo malaman ang price, secret na lang, baka murahin nyo din ako e.

At tapos nyan ay umuwi na kami sa aming Patootie homes. Hindi man sing bongga ng Richmonde, which I give 4 out of 5 stars, ay hindi ko pagpapalit (kasi wala naman offer na chance na ipalit haha)
Thank you so much Pats for the treat, I enjoyed it so, so much! Mas ma-enjoy ko kung maulit pa ng paulit ulit haha :)

And thank you too, all of you for visiting my blog again! Much love from me to all of you! XOXO!


 

Blogger Templates. Sponsored by Link Page Report Card