Ganap

Ang saya sa office recently. Avail kung avail pag patak ng 2 am onwards. Kahapon naka 2 extra lunches tapos ATO pa kami. Kami na tamad!

Perfect sana mamaya kung avail pa din, tapos last day pa namin, kaya lang may eksena. May dadating na client, tago natin sa name na Ms. Tulo at may I si-side by side sya sa akin, makikinig sa call ko. I pray and I beg na sana maging super busy sya at di na maka epal sa akin. Kung ipipilit naman nya, may mga naisip na akong eksena para di nya gustuhing madikit sa akin:

- pag malapit na sya magsusubo ako ng oatmeal, para pagkatabi ko na sya kunwari nasuka ako bigla

- dahil may sipon naman ako, hahayaan kong tumulo

- aarte akong sinasaniban..nakakuha ako ng tips galing sa mga studyanteng nabalita sa tv. Kung kaya nila, kaya ko rin!

I'm sure one of these will work! Update ko na lang kayo :)

Kanina pala, still in the office, may Finesse event sa pantry. May mga kuyang naka sando - with nice arms! Weakness ko ang nice arms, minsan deadma na sa mukha kung perfect ang braso. May dumating na kuya na title holder ang braso - si Andrew Wolfe!

At syempre dahil apakapalmuks ako, nagpa-picture talaga ako. He was SUPER gwapo and nice, he was commenting on how tall I was. I was actually taller than he is. Tinanong kung anong lahi ko, sabi ko askal and he was laughing. Pagka pic, he stretched his hands out then we shook hands - feeling ko nagsaksak ako ng 110 na plantsa sa 220! Na conscious ata ako kakasukat nya ng height ko, I ended up hunching.
Sabi ko nakakalaglag brief si Andrew kaya nakaganyan ako. Nalaglag kasi brief ko eee!

He was there to promote the Finesse shampoo, he was even shampooing random peoples hair. I would love to have him shampoo me pero not in that scenario. The scenario I have in mind involves leather and lots of metal chains and hours and hours of shampooing. Paks!

In other news, It's Dimples and Deo's wedding this Friday and we're all so excited. My outfit has been ready for weeks now kaya wala na akong prinoproblema. Isip ko na lang kung anong ayos ng buhok ko :) Excited na ang mga beks - may eksenahan na naman kami!

O sya, yun lang naman ang ganap. Thank you for dropping by and have a great week guys! GV!! :)

BTW, please do follow me at twitter : https://twitter.com/#!/zaizikels. So far I have 34 followers na yey! Mwahs!

13 click here to comment:

  1. Laughing Cow said...

    muka ngang naging weak ka sa eksenang yan hehe.. parang gusto ko ding magpa'shampoo. good vibes. =]  

  2. jetlander said...

    Hi Zai! Same weakness here, biceps and triceps! haaayyy I just remember the guy I was ogling last weekend, until now di ako maka get over...  

  3. ZaiZai said...

    laughing cow - haha oo parang nagka scolio na ako sa panghihina :) sama kita pag nagshampoohan kami hehe :)

    jet - haha di ka pa naka move on sa arms ni kuya? hehe pareho pala tayo ng weakness :)  

  4. shenanigans said...

    natawa ako sa kumuha ng tips sa mga students na nasapian.. haha!

    ikaw na humble at nag adjust sa height! kayo na din ang close at nagbiruan.. #bitterocampo

    hehehe!  

  5. Justin C. said...

    haha. weakness ko din ang big arms. aside from a hard six-pack, of course. hehe  

  6. Anonymous said...

    THIS IS SO UNFAIR OUR BOOBOO!!!!!!!!!!!!!!!! KELANGAN MAGKAPIC DIN AKO WITH DENNIS TRILLO PARA QUITS!!!!! HMMMMMF! I'm inggit :)


    - Our booboo  

  7. Ming Meows said...

    gusto mo talaga magkalevel kayo ni andrew hehehe  

  8. buendiaboy said...

    parang may nakita ako wet yung pants mo  

  9. ZaiZai said...

    shenanigans - close na talaga kami, tinuruan ko sya paano umarte ang nasapian hehe

    justin c - naku weakness ko din ang abs. pero di naman agad kita kung may abs kaya arms muna hehe :)

    our booboo - naku ang gwapo nya. gusto ko ngang magpa autograph para sayo kaya lang baka macornihan ka lang

    ming - hehe oo sa height man lang malevelan ko sya

    buendia - grabe ka, di yan wet! wet na wet haha  

  10. shenanigans said...

    hahaha! gaga ka talaga  

  11. xave said...

    si andrew pala yun.. inde ko siya namukaan ahh... nagabago itsura niya at parang inde na ganun kaganda yung katawan nya.. :D  

  12. ZaiZai said...

    shenanigans - mas gaga ka! haha

    xave - naku ok na yang katawan nya, mukha na ngang kahoy na nililok hehe :)cute pa din naman sya :)  

  13. Simurgh said...

    kinilig lang! eeeehhh! :)  


 

Blogger Templates. Sponsored by Link Page Report Card