HHK 4

For this post, hindi muna Kempet ang K sa HHK. Kain muna. Halo-Halong-Kain. Lakas maka kaning piggy no? Oink! I mean - game! :)

LUWAS EB
Yesterday I finally had the pleasure of meeting my blogger friend Marge of Piso Fashion and Coffeehan. Tagal na din kaming chika chika sa blog, FB, Twitter, Instagram, kulang na lang snail mail, chain letter, penpal, atbp! So I was really happy that we got to finally meet. Kasama sa kita kits syempre ang aking Marseng Joanne, Sis Arline and Rhoda na nakasama na namin ni Marse sa aming La Union trip :)

So Marse and I made luwas luwas to Makati and we went on probinsyana mode. Nag malling kami at nang stalk at ogle ng kuyang gwapo (mas detailed kwento sa post ni Marse) then met up with Marge, Rhoda and Sis Arline. Went straight to 8065 Coffee Shop.
Eto kami, in random order. Kung by beauty ang arrangement ako nasa unahan. Ang umangal masasaktan okay? Tandaan 6'2" ako. Hahaha :)
So best in chikahan portion kami. Really fun kausap sina Marge and Rhoda - parang ang tagal na naming friends sa kadaldalan namin sa isa't isa. Anyways, Marge is really pretty so yeah, kung by beauty ang pila, payag na ako pangalawa ako :)

I gave Marge a present - I drew a picture of her fabulous self :) Sorry sa frame Marge walang girly color so I brought a blue one just like mine.
Marge also had presents for us - a keyholder, an uber cute paper swan and a super sweet note. 
Her note is too sweet to be kept to myself so here, you must read it too :) 
                   
Marseng Joanne in case you are wondering, hindi ako kasama sa pic ng note kasi ako ang kumuha okay? Hahahaha :)

Anyways, back to the 8065 Coffee Shop - it is a really homey coffee shop that Marge discovered and frequents. Glad she took us there. They have a really interesting display of toys! The boy in me (yes may boy sa loob ko, may girl din ) felt so happy seeing all these! I'm a big Marvel fan you see :)
This is what I wanted to do with this Gambit toy! Kung pwede lang nakawin!
Eto pa! X-Men collectible! 
Leave it to me to make a gay scene with Spiderman and The Hulk :)
Enough playing around, usap naman about the food! They have rice meals at 8065 Coffee Shop - na puro bagnet ang ulam pero iba ibang luto. Gulo ng explanation ko no? Halimbawa! I had Spicy Gata Bagnet. Arline had Binagoongang Bagnet and Marge had Bagnet Kare Kare. Si Marse had plain and simple bagnet. 

The verdict - super sarap! Mouth watering! Looks yummy! Hope I can try that too! Ganyan! Haha :) Kung hindi lang malaki ang posibilidad na pumutok ang batok ko malamang umorder pa ako ng isa pa :)
We also had this yummy Pesto - Php120.
And for dessert - a slice of Chocolate Campfire Cake - Php105 per slice. This made it to my list of yummiest cakes ever. Slice of heaven. At syempre - super sarap! Mouth watering! Looks yummy! Hope I can try that too! Ganyan! Haha ulit! :)
So over that yummy dinner and coffee we had a super fun talk. I know I'm a gay guy but it really is fun talking to girls kasi mas ka level ko ng isip at ng kung ano ano pa. Kahit ano pwede pag usapan, love life, gay bar, mga manlolokong lalake, etc. I had a really great time meeting and hanging out with you guys! Looking forward to hanging out with you again :)
Uwian time came at syempre nag pa-pic ako ng likod ng aking outfit for the day - sayang naman pag di nakita ang detail. Thanks for the pic Sis Arline :)
THE MILKY AND SUNNY SHOW!
Last week, after ako samahan ni Lori na kausapin si Pastor for our PBO Bazaar venue, we had a quick meal at Milky and Sunny in Kapitolyo, Pasig. Kaya ko i-nentitle na The Milky and Sunny show ang part na ito kasi lakas maka talk show ng chairs at sign sa harap ng resto :) 
Me and Lionel the puppet. Sa resto po ang puppet na yan, nilinaw ko lang baka isipin nyo may dala akong puppet lagi. Rabbit na puppet po ang dala ko lagi. Hahahaha! :)

Milky and Sunny has a really lovely interior. The blue and white paint makes it really cozy and they have contemporary art to spice up the cool colored walls. 
I love their wall decors of random frames and stuff. I love it so much na inspire ako and I'm working now on having something like this in my room. Wala nga lang EAT yung sa akin, baka lalo ako tumakaw, ay ibang level na yon.
Some of their other art fixtures. Love the skull, very Alexander McQueen! :)
And a bunny! Reminds me of my late Antoinette :-/
Now about their food, I think they serve mainly breakfast meals the whole day. See for yourself, here is their menu :)
 
I had Blueberry Pancakes - Php145. Sorry sa haggard face, puyat at pagod ako nyan ha. Wag magulo, mainit ulo ko.
Lori had Chocolate Chip Pancakes - Pp145 :)
I told her the chocolate chips in her pancake looks like goat poop, e sabi nya mas mukha daw goat poop ang sa akin, basa basa pa. Erks oo nga naman!
So note to self, wag magpapandiri ng iba kasi malamang bumalik din sa akin. Karma.
Malapit lang ang Milky and Sunny sa gaganapan ng PBO Bazaar natin so if you guys want to try it too, we can! Libre nyo ako ha! :)

TO INFINITEA AND BEYOND! PANGKALAWAKAN!

Hello Pao! Naalala kita sa title ko sa part na'to kaya tinodo ko na! :) After ng kainan namin ni Lori, nag Infinitea naman kami ng aking dear sister Carla and dear brother Ge. First time ko sa Infinitea kahit sobrang lapit lang nya sa amin.

So they have the usual milk tea choices. I had Peach Lychee Milk Tea (large at Php95) which is super yummy! Kanina nag Infinitea kami ulit and I had the Blueberry Milk Tea (sana nag Peach Lychee na lang pala ako ulit)

One thing that I am curious of at gusto ko ma-try ay ang milk tea liqueur! May percentage pa ng alcohol content. Gusto ko sanang magtanong "Wala bang 'tambay sa kanto levels? o kaya butas atay levels?"
Our drinks! Love how it's served in a basket :) 
They have nachos too btw - Php 80 :)
And they have a band! Na gwapo ang guitarist! His name is Chard at boyfriend ko na sya, di pa lang nya alam.
Nakita ko ulit si Chard kanina and yes, he is indeed cute! And yes, di pa rin nya alam na boyfriend ko sya :)
Marseng Joanne wala si Carla sa pic kasi sya ang kumuha. Pero ayan sya sa baba, wala kami ni Ge kasi kami naman ang kumuha. 
It's great having Infinitea really near our home. At least madali ko madadalaw si Chard my love! :)

HAPPY BIRTHDAY PAPA!!!!
Birthday ni Papa ko last February 8. Straight from uwi namin from Siargao, bumili ako ng cake from Red Ribbon. This medium sized cake is at Php250 only. 
Surprise Papa Jun! :)
A few days after since di ko na kaya kumain sa labas that day, we had Papa's celebration at Pizza Hut. Simple dinner lang with my crazy and fun family :)
Very Rihanna ang styling ni birthday boy Papa Jun :) 
Mama and Carla :)
And Ge and me! :) 
As expected, pasta and pizza ang nilaps sa Pizza Hut :)

AND THAT IS EAT! I mean IT! Ang daming kain no?! Now before I end this post, I want to greet all of you my dear friends.. 
Hope you had a great Valentines! Ako very isdang di nabili ang peg, nilangaw! Pero okay lang yan! Masaya naman ako so yeah! Yeah! God is good! Yeah yeah God is great! Yeah!

PS : This Sunday na ang PBO Bazaar for a Cause! Pwede pang humabol ang donations! At pwede ding sumama sa event itself para maka pag volunteer at para mameet namin at malibre ako sa Milky and Sunny! Go na! :)

27 click here to comment:

  1. Bino said...

    daming kaganapan at activities ang meetup at bonding na to ah! congrats sa bago mong love life at sana alam na niya :)  

  2. KUMAGCOW said...

    Dear Zai,

    baka hindi nya rin alam na may nakaraan kayo... hindi nya rin alam ang nangyari sa CR ganyan hahaha

    Hope I can go to the PBO bazaar thingy.. may pasok kasi ako eh pero if I can I'll go...  

  3. joy said...

    Very busy girl/ guy ka naman:)
    By the way, I really like your personality: a good friend, funny, thoughtful, creative and with a person with a good heart. It shows how you treat your freinds and family.
    Ka touch ang gift mo kay Marge, and cake for daddy at a big heart for mommy and a treat for the family.

    And buti di ka tumataba sa mga foods. Always good looking:)

    ANyway, sana matangap mo na rin ang card na pinadala ko for the second time. Sent one the first week of december last year, pero nalunod yata sa dagat and card. Hi hi. Sent another one more than a week ago.
    Have a nice week:)  

  4. Fabulous Petite said...

    Such a fun post and the food are super yummy. Can't wait for another fabulous happenings from you.

    xo
    Sam
    http://fabulouspetite.blogspot.com  

  5. Senyor Iskwater said...

    Tama ang iyong kumareng marge na your blog is one of the funniest...

    Ang masaya pa, wholesome at hindi TH na magbigay ng GV ang iyong mga posts...

    Ikaw ang isa sa mga personal bloggers I admire kasi maliban sa may sense, nag-uumapaw ang iyong sense of humor kahit na in person eh medyo silent ka rin like me...LOL

    Kumusta naman sina The Hulk at Spiderman?

    Bakit mo naiisip si Pao? Dahil Infinitea lang? Sure ka jan na walang malisya ha... hehehe  

  6. sherene said...

    Sobrang tawa ko naman sa isdang hindi nabili hehehe.
    Ang sarapppp ng mga pagkain para akong nabusog tlga!
    Happy Birthday kay Daddy at Happy Valentines sa inyong lahat:)
    At dahil halo halo ang post mo halo halo din ang comment ko.
    Mabuti diyan maraming choices na kainan, dito sa amin konti lang hehehe.  

  7. ZaiZai said...

    BINO - haha susulat ako sa wish ko lang, wish kong malaman na ni kuya na mag on kami lols! kita kits sa next eb! :)





    Dear John aka Kumagcow - believe me, kung may nangyari sa amin sa cr, hinding hindi nya ako makakalimutan lol! try mo! pangako mo mag dodonate ka di ba, at papakilala mo ako kay Paulo Avelino at Coco Martin? Hahaha :)






    MS JOY - Thanks for the nice words Ms Joy, you are the sweetest! :) Buti nga di ako tabain, sa takaw kong ito hehe :) Hopefully matangap ko nga, inggit ako kay Joanne sya natangap nya na. Thank you for sending another card for me :) Hugs Ms Joy! :)





    FAB PETITE - Thanks! Always expect me to have yummy food pics :) Thank again! :)







    SENYOR - Aww, touched naman ako dun! Teka ako lang naman ata tahimik..ikaw, sobrang tahimik! lols! Oo walang walang malisya ako kay Pao no, takot ko lang sayo :)






    SHERENE - Hi Sherene! Aliw ako sa HHC mo, halo halong comments :) thanks, happy vday to you too and your hubby and cute son! too bad, di bale I'm sure pag tagal tagal dadami na din mga pwede kainan at pag date-an dyan :) Thanks for dropping by :)  

  8. rhoda said...

    belated happy valentines zai! dami kong busog sa tawa at kain nung nagmeet tayo. next time ulit!

    nagutom naman ako bigla sa pancakes and nachos. na-curious din ako sa milktea liqueurs na yan.

    and belated happy birthday din sa father mo :D  

  9. michymichymoo said...

    And I'm getting tampo na because we're practically neighbors but we haven't met yet.hahaha. :)


    http://www.dekaphobe.com  

  10. Patti said...

    Para kang in demand, Zai! Heehee. Natutuwa ako at nag-enjoy kayo last Monday. Sabi nga ni Rhoda katakam-takam talaga ung Chocolate Campfire cake. Huhu.;____;

    Pero sa lahat, sa Nachos ako pinakanatakam, isa kasi un sa mga favorite ko. Isa pang huhu.;______;

    In fairness, hawig mo si papa mo, Zai! Hehe. Belated happy birthday sa kanya!:)  

  11. ZaiZai said...

    RHODA - thanks sa greeting for Papa, Rhoda! Oo nga mas masaya meeting natin ngayon kesa nung 1st time, naguusap na kasi tyo this time hehe :) Next time try naman natin sa Infinitea sana may malapit dyan ng ma try natin ang mga liqueur, mas maingay siguro tyo nun pag naka inom haha :)







    MICHYMOO - Haha oo nga no, you're near Assumption right? Well just tweet me anytime Michymoo! If possible Mon or Tuesdays kasi I have work on the other days at dahil pang gabi, tulog ako sa umaga :( BTW, hope you can drop by sa bazaar ng PBO! :)







    PATTI - Di mo pa pala natry ang chocolate campfire - you. must. try. it! hehe :) Fave mo pala ang nachos, yummy naman ang nachos from Infinitea infernes :) Thanks sa greeting for my papa, sana next time kasama ka na sa meet namin Patti! :)



     

  12. Jessica said...

    ang daming kaganapan sa life :)
    hindi ka naman masyadong busy ano ZAI? hihihihihi

    happy bday kay daddy! xD hihi  

  13. Pao Kun said...

    at talaga namang hindi ka nanaman nabigo sa pag papatawa sa akin. hahaha!

    Kung ano ano lang ang pinaggagawa mo sa toys! sana kumuha ka ng isa para sa bazaar! :)) (magturo ba ng masamang gawain!)

    Hi ate Lori! sana mameet ko na din sya! See you on Sunday!

    Mas nakakadiri ngang tingnan yung pancake mo, parang galing sa LBM! ;)

    At, natuwa naman ako kuya Zai at naalala mo ako with special mention pa! :) To infinitea and beyond! Why not? bottomless na tea yun! ;)

    Congrats sa lovelife! :D bale sayo lang din ang congratz at hindi sakanya dahil di mo pa alam!

    happy belated birthday din kay papa jun! :) parang ang sarap tingnan ng cake! At alam kong mas masarap kung matitikman! ;)  

  14. joanne said...

    Super sarap! Mouth watering! Looks yummy! Hope I can try that too!

    Hahaha, ang sakit ng ulo ko pero pinatawa mo ko ng bongga! At least now, I know kung bakit wala kaw sa picture.

    Kain tayo sa milky and sunny before ang bazaar tutal derecho na naman tayo after shift dun di ba?

    Mwah!  

  15. Marjorie G said...

    Natawa ako sa title, Luwas EB, lakas maka-probinsyana ang peg hahaha...

    Naku ok lang yung blue color na frame, ganda nga eh. Thanks talaga ng marami!

    I'm glad nagustuhan mo naman ang simple kong nakayanan na gifts nyahaha... Sincere ako dun sa wish ko for you, sana talaga ma-meet mo ang prince charming mo. Ay wait, eto na lang, sana malaman na ni Chard na bf mo siya! Hahaha..

    Marvel fan ka pala no wonder tuwang-tuwa ka sa toys. Tamang-tama pala talaga yung place na pinagdalhan ko sa inyo kung ganun.

    Na-curious naman ako sa Miky & Sunny, parang blogable siya ah.

    Belated happy birthday to you Dad! Natutuwa talaga ako pag nakikita ko family pics nyo. You guys are so close, hindi kasi ganyan ang drama ng pamilya ko eh (lakas maka- Maalaala mo kaya ang peg nyahaha...)

    Hope to see you again soon!  

  16. MEcoy said...

    agree naman ako sa sinabi sa notes
    isa ang blog mo sa pinaka masayang bisitahin
    natural lang na nakakatawa

    anyways sasarap kakagutom hahah

    at ang cucool ng mga action figures want ko magkaroon ng ganyang collection eeh  

  17. JonDmur said...

    di ka na nawalan ng mga activities ah hehehe

    katuwa ng mga pic... thanks sa pag share...

    ginutom mo ako hehehe natakam ako sa foods hehehe  

  18. Anthony said...

    Ang blog na ito ay isa sa mga opisyal na nagpasaya sa akin sa araw na ito. Busog na busog ang mata ko sa gala, sa pagkain, sa mga sightings, parang napagod din ako sa gimik :D

    Mahilig din akong tumingin sa mga action figures kahit wala akong pambili :D

    And wishing u din po na sana ay malaman na Niya na bf mo siya :D
    Belated Happy Valentines :)) <3  

  19. Rizalenio said...

    I like your virginia polo shirt. Nice porma.

    Hahaha. Saya ng mga ganap mo sa life, Zai, esp your time with your family. Saludo ako sa pagigi mong mabuting kapatid at anak siempre (parang I sounded like a pastor here. Haha). :)  

  20. ZaiZai said...

    JESSICA - Hindi, hinding hindi ako busy! hehehe :) Thanks sa greeting pretty Jessica :)






    PAO - Parang magandang name ng tea house yun no, to infinitea and beyond! Tapos ikaw ang endorser hehe :) Buti naman napapatawa kita Pao, may bayad yan, sisingilin kita sa bazaar ha haha :) Thanks sa greeting para sa Papa ko, at excited ka na daw ma meet ni Lori :) See you on sunday Pao! :)







    JOANNE - Ang saya saya ng work natin no? Chos! :)








    MARGE - Yup hope to see you again soon Marge! Buti naman okay lang ang blue frame :) Hope you can come on sunday sa bazaar so you can try sunny and milky too! :) Thanks btw ulit sa pag dala sa amin sa 8065 coffee shop! bukod sa natuwa ako sa toys natuwa ako lalo sa food! :)







    MECOY - yihheeee thanks Mecoy na touch naman ako dun :) sana makasama ka sa bazaar so we can meet you!







    JONDMUR - hehe sorry naman nagutom kita Jon! Kain! :)






    ANTHONY - Thanks, mas natutuwa ako na may mga natutuwa, este natatawa sa mga pinag blo-blog ko :) Sana may murang action figures no, gusto ko din mag collect e kaya lang basta pang collect ata given na na mahal! Hmp lang hehe :) Thanks Anthony, happy valentines too! :)







    RIZALENIO - Thanks! Love ko ang polo na yan, bought it from ukay at 60 petot only :) Mukha lang akong mabuting kapatid pero mahilig ako magutos - pero mabait pa rin ako syempre. Thanks po pastor hehe :) Thanks Rizalenio! :)  

  21. Tin | The Average Jane said...

    I;ve always wanted to try Milky and Sunny. Layo lang kasi sa amin e. =(  

  22. Steph-G said...

    WAAAHH!! cake, milk tea! cake! lieteral akng sarap kasama :D

    http://steph-g.blogspot.com  

  23. xave said...

    is it just me, or parang nagbago ang format mo sa foods, may price na sila... ahahaha.. inde ako choosey or kung ano man tawag dun sa foods.. like kunwari, pancake for 145 pesos, eh baka namamahalan na yung iba, pero mas tinitignan (or nilalasahan) ko yung taste mismo ng food.. then dun ako mag iisip kung tama lang ba ang price nya.. ahahahaha..

    grabe, dora mode din ikaw ngayon ha, at mga bago ang napuntahan mo.. gusto ko yung mga coffee shops na nipost mo ngayon.. sarap tambayan.. parang tago na tago sya at dito ko palang sya first time nakita.. :D

     

  24. Mac Callister said...

    jusme ang daming ganap! di na ko maka keep up sa activities mo haha u better get a PA na zai. charrr

    tangkad mo pala!!!!  

  25. xoxo_grah said...

    ang busy naman ng schedule mo ha?...in fairness ang cool ng mga wall decors ng mga napuntahan mo...happy birthyday sa papa mo...:)


    xx!  

  26. wReY sWiFt said...

    Ang sarap naman ng peg mo Zai - food trip! Matagal ko ng gusto kumain sa milky & sunny, gusto ko kasi ambiance ng resto nila. Sana makapunta kami ni Robby diyan next week...^◡^

    Fashionmoto
     

  27. Janaki Garcia said...

    Ang taray ng food tripping! nakakagutom :) Belated happy vday and happy bday to your dad :)  


 

Blogger Templates. Sponsored by Link Page Report Card